Hindi ko akalaing masasaktan ako sa isang bagay na tahimik lang. Walang halik, walang yakap, walang lantaran na pagtataksil — pero masakit pa rin. Kasi ang sakit ay hindi lang galing sa pisikal. Minsan, galing ito sa mga messages, sa mga lakad na “wala lang,” at sa pakiramdam na unti-unti akong nawawala sa buhay niya. Nagsimula ito sa pakiramdam. Hindi agad ebidensya ang una kong napansin. Parang may ibang taong mas inuuna. Parang may kinakausap siyang mas excited siya kaysa