top of page

Ulilang Lubos and Moving On

  • Writer: Jen Jen
    Jen Jen
  • Feb 4, 2018
  • 3 min read

What does it mean whey they refer to you as "ulilang lubos"? Parang kawawa. Parang loner. Parang hopeless case.

Daddy died in 2004, just before my older sister got married the following year. Dad died of Cancer (Lungs). Losing Dad at such a young (teenage years) age was not bad as it seem because Mom stepped up for us and we never felt any loneliness because she was there. Siya lang ay sapat na. But just right after 13 years, our beautiful Mom died (still) of Cancer (Blood). Galit na galit ako, naka dalawang strikes na tong si big "C" samin eh!

So wala na si Dad, wala na rin si Mom. Kaya ulilang lubos na kami ni Ate. Right after funeral, marami ako narinig na words of encouragement, support at pagmamahal. Salamat nga pala sa mga relatives na hindi kami iniwan simula lamay hanggang burol. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko mag move on. But it is easier said than done. I still find myself crying randomly every night, when I am alone, when I think of Mom, when I am sad, or kahit makita ko lang sa cp ko mga text messages niya sakin. It is really hard to forget someone that gave you a lot of her to remember. Napakasakit mawalan ng Ina ng tahanan. Nawalan ako ng kaibigan, kaagapay, guro, pinagsasabihan ng problema, nawalan ako ng mabuting tao sa buhay ko na kahit pa ilang beses ako babagsak ay aahuin ako, at higit sa lahat nawalan ako ng isang napakabuting Ina. Ina na HINDI inuuna ang sarili. Ina na nagmamahal ng walang kapalit. Ina na inintindi ako sa lahat ng mga pagkakamali ko. Ina na walang sawang nagbibigay ng suporta sa aming magkapatid kahit na kami ay pareho ng nakapag-asawa. I miss you Mom.

Ulilang lubos. That's what we are. Mahirap. Wala ng gumagabay, walang takbuhan sa problema at walang tagapagtanggol sa mga elementong di maganda. Kapag may problema, takbuhan namin ang aming magulang pero ngayon na wala na sila, bukod sa Diyos, sa sarili na lang namin kami tumatakbo. Sasabihin sa sarili na maging matatag, gisingin ang sarili na wala na sila, at tulungan ang sarili na bumangon. Napakahirap pala nun. Yung sarili mo, hawak mo pagbangon.. walang magulang na tumutulong.

Hindi madali ang mawalan ng sandigan. Ng masasabihan ng problema. Ng tunay na nagmamahal sayo ng walang kapalit. Si Daddy kahit tahimik, he was a good provider. Sayang at maaga siya nawala, sana kasama namin siya at ng mga apo niya na iniikot ang mundo. Si Mommy naman, the best mom - or should I say the best person. Wala na papantay sa kanya. Not one single person. Not even me and my sister. Mom has her own good uniqueness at siya yung tipo ng tao na kapag sinabihan mo ng problema mo ay para kang nawalan ng problema pagkatapos mo siya makausap. Yun ang namimiss ko ng sobra. Yung assurance, yung advises na di makasarili at yung pakiramdam na may kasama ako kahit ano pa ibato sakin.

Sa panghuli, dati sa movies ko lang nakikita yung mga ulila or orphan at kung paano sila nag struggle. Ngayon ay kami na mismo yun. At kahit pa sinasabi ng iba na "andito kami para sa inyo", iba pa rin talaga ang presensya ng isang magulang. Ibang-iba. Wag ninyo akong husgahan na di mkapag move on ha, I have the full right to feel what I feel. It's not easy to move on especially if you love the person so much. May narinig pako sinabi niya na "dapat noong buhay pa sila sinasabi mo na mahal mo sila hindi ngayong patay na sila". Ang sagot ko ay ganito, "Yes sinasabi ko na mahal ko sila noong buhay pa sila hindi man sa words ay sa actions. At kaya nga ako hindi makapag move on ay dahil totoong mahal ko sila.


 
 
 

Comments


Single post: Blog_Single_Post_Widget
bottom of page