My Ex Flame?
- Jen Jen
- Jan 23, 2018
- 2 min read
Last night, nakausap ko uli yung friend kong sobrang tagal ko nang di nakikita at nakakausap (thanks to sun unlimited promo). Hindi naman kami very close but I can consider her as a good friend. Kuwentuhan, etc. Madami siyang kuwento. Nakikinig lang ako. Until she asked about this guy, "Naging kayo ba ni____?" . Imbes sagutin, I asked her back, "Bakit mo tinatanong?". She said, "Kasi may nagbanggit sakin na common friend din natin." Sabi ko, "Sino?". Sagot niya, "Si ____." Sa totoo lang, ayaw ko na sana pag-usapan yung guy na yun. Past is very past. And we have long been civil and not talking about "us" anymore the past few months. Nanahimik na yung tao at nakapag moved on na (ata) siya. Well just for the heck of it I said sa friend ko, "I can't say na naging kami. Itanong mo na lang dun sa "common friend" natin". Pero makulit talaga siya, "Jen, ano ba talagang nangyari sa inyo?". Sagot ko, "Di ko alam nangyari samin kaya wala ako masasabi". Gusto ko na maiba yung topic kaya sabi ko, "Wag na natin siya pag-usapan, may iba ng buhay yung tao". Pero tuloy siya ng kuwento, "Kasi nakita ko siya eh, kasama niya si _____, magkaholding hands sila papunta sila KFC ____ branch. Na-curious ako Jen kaya sinundan ko pa nga sila at feeling ko kumain sila dun". Somehow naging interested ako so I asked, "Mga what year at around what month mo silang nakitang magkasama?". Sagot niya, "Di ako sure pero mga December last year basta around christmas yun". Nag isip ako ng konti, nagcompute ako ng mga months pero sumakit lang ulo ko kaya sabi ko na lang sa friend ko, "Just for the records, ayaw ko na siya pag usapan". Wala na akong strength na mag isip pa kung bakit nung December magkasama sila at kung anong buwan yun kasi alam ko na ang sagot. Kasi mahal niya yung girl na yun. At kaya niya kasama yung girl na yun papunta sa KFC kasi kakain sila at natural after nila kumain ihahatid niya yung girl. Ayaw niya siyempre na mag isa umuwi yung girl kasi he cares for her. Hindi naman ako ganun ka-tanga, mahal nila ang isa't isa kaya sino ba ako para e-question kung bakit sila magkasama nung freaking day na yun? Let's just leave this guy alone. Hindi naman siya masamang tao kaya wala ako masasabi. Nagmahal lang din siya kagaya ko. Hindi naman masama ang magmahal. Nagkataon lang na hindi ako yung mahal niya pero mahal ko siya. Nung una mahirap intindihin. Parang ang labu-labo. Bakit ganun, bakit ganyan? At nagagalit ako sa kanya. Pero hindi naman ako dapat magalit sa kanya kasi ako naman yung malabo. Yung mga gano'n. Until I realized na ako pala yung may problema. Hindi ko alam na madami akong panahon na inalis sa kanya. Yung mga panahon na sana kasama niya yung totoong mahal niya. Ang sama kong tao! I gave up on him several times already pero nitong huli it's final. He deserved to be happy. Long before I gave up on him, nakapagdecide na siya.
Comments